document-fr | Pambansang Adyenda sa Pangangalaga ng mga Nanganganib na Wika
Ang Pambansang Adyenda sa Pangangalaga ng mga Nanganganib na Wika 2023-2025 ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga kinatawan ng katutubong pamayanang kultural. Binubuo ito ang pitong Adyenda na may pangunahing layunin na ilatag ang pambansang plano para sa pangangalaga, pagpapalakas, at pagpapaunlad ng mga katutubong wika ng Pilipinas, lalò na ang mga wikang nanganganib nang mawala. Nakabalangkas dito ang mga programa at gawain na magsisilbing gabay ng KWF at ng iba pang ahensiya at institusyon na nais makibahagi sa pangangalaga ng mga wika ng Pilipinas. Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng priyoridad at magkakaroon ng kaisahan at direksiyon ang lahat ng mga inisyatiba at pagsisikap na pangalagaan ang mga katutubong wika ng bansa.
Kalakip din ng Adyenda na ito ang nabuong Resolusyon ng mga kalahok sa isinagawang Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika noong 24–26 sa Pambansang Museo ng Pilipinas, Ermita, Maynila para sa pagtataguyod at pangangalaga ng mga katutubong wika; at ang Resolusyon ng KWF Kalupunan ng Komisyoner. Nakasulat ito sa wikang Filipino at may salin sa iba’t ibang wika ng Pilipinas:
OBU MONUVU - https://drive.google.com/file/d/16FnRw7agBMTE5jIlAZrtGbxeVMYmvvGM/view?usp=sharing
SEBWANO - https://drive.google.com/file/d/1S15gV_IQCiJ94kJqzCpzRpk0i8BuuaPM/view?usp=sharing
INGLES - https://drive.google.com/file/d/18lw_mHxz7XYgxSm3Ezs_R5AOugGLa0-q/view?usp=sharing